start your own blog now!
 
Read other blogs...

Bituin sa langit, bituin sa lupa

Tsismisan at talakayan

About me

Blogger:
Name: Noel Barcelona
Let's give showbiz writing a different twist.

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Recent comments

 

Counter

visited *loading* times

Monday, 17 December 2007
Goodbye, Ace Vergel!

It is saddening to say goodbye to one of the legendary icon of Philippine movies - Ace Vergel.

Ace Vergel said adieu to us last Saturday, December 15. He is 55.

Known as Alas, he is known to be one of the true-blue action stars of the Philippines.

Nakakalungkot. Magpapasko pa naman.

Pero talagang ganoon ang buhay. Una-una lang...

posted by: senyortsikador at 09:50 | link | comments |

Sunday, 09 December 2007
Kung bakit ayaw ni George kay Regine

Artists are born, not made. As writers are born, so singers do.

Boy Villasanta wrote in his regular column, Pinoybiz (Pinoy Weekly), the following lines that shocked me:

Ayon sa isang miyembro ng Aliw Awards Foundation, Inc. na ayaw nang magpabanggit ng kanyang pangalan, sa wakas ay nakamit din ni Regine ang pinakamataas na parangal sa kanilang timpalak.

“Noon kasing buhay pa si George Canseco, ayaw talaga niyang manalo si Regine ng Entertainer of the Year. Wala siyang kabilib-bilib kay Regine. Pero ngayon, wala na si George kaya nanalo na si Regine. Gano’n ang lakas ng impluwensiya ni Canseco sa Aliw,” pahayag ng kasapi ng Aliw.

Ganoooooooon?

Ibig sabihin, talagang walang "K" as in karapatan si Regine na manalo sa prestihiyosong award? Bakit? Dahil puro tili na lang ang alam ni Regine?

I have nothing against Regine. Pero medyo nakakarindi na rin naman siyang pakinggan. Parang lagi na lang naiipit ang kung ano sa kanya at lagi siyang nakasigaw. Sabi nga ng isang miron, "Ang pangit na niyang kumanta."

posted by: senyortsikador at 06:04 | link | comments |

Thursday, 06 December 2007
What Will Happen in the Metro-Manila Film Festival 2007

As Christmas time is coming, the Filipinos are also waiting to the 2007 Metro-Manila Film Festival (MMFF) despite the fact that it is always hounded by controversies.

I don't have the list of the movies that are to be shown but I am almost certain that fantasy movies will, again, take the lime-light. And then the never ending play of melodramas, horror flicks, and "chummy-chummy" stuffs.

When will be the MMFF graduate with these kinds of crap?

***

I heard that Enteng Kabisote enters anew in the MMFF. Tiyak na tatabo na naman si Bosing (Vic Sotto) in terms of income or ticket sales. But when will Vic Sotto server a "fresher" kind of comedy?

In history, comedies - unlike the comedies we are seeing today - have always social relevance. It always ridicule what is happening to the everyday lives of the common Filipino and has always something to say against the elites, or the ruling cliques. Sa palagay ko, hindi dapat magkasya na lamang si Bosing sa pelikulang laging may mahika or magic. Maging realistic naman siya. Puwede rin naman kasi nating iligtas ang mga bata sa ilusyon nang hindi naman sila ninanakawan ng imahinasyon, di ba, mahal kong Jovy?

***

Congratulations to Mss. Sunshine Matutina and Kiri Dalena for the successful opening of Kontra-Agos.

Uy, mga suki! Lagi na ninyo ulit akong mababasa dini. Laging mag-abang sa mga maiinit na tsika, OK? Love you all!

posted by: senyortsikador at 10:04 | link | comments |

National Artist Condemns Censorship, ‘State Fascism’

“This government will surely do anything and everything just to stop the people’s dissent,” said National Artist for Literature Dr. Bienvenido Lumbera.

State fascism.

This is how National Artist for Literature Dr. Bienvenido Lumbera sees the “X” rating given by the Movie and Television Review and Classificatin Board (MTRCB) to two short films namely Mendiola and A Day in the Life of Gloria Arrovo supposed to be shown in Kontra Agos Film Festival Dec. 5-11 at the Robinson’s Galleria Indie Sine in Mandaluyong City.

In a press conference held at Newsdesk Café in Sct. Madriñan, Quezon City, the literary giant said that the Macapagal-Arroyo has truly no respect to work of arts, neither has adequate knowledge of the artists’ role in their society.

“This government will surely do anything and everything just to stop the people’s dissent,” he said in Filipino.

Lumbera also expressed fear that there will be more government censorship of artistic works showing the real situation of the Philippines-be these films or visual artworks.

“Just like what happened to the mural made by Neo-Angono Artists Collective,” Lumbera said referring to the defacement done by the National Press Club on the mural “Press Freedom” after the Presidential Security Group (PSG) said that it bears “leftist marks and symbolisms.”

Made by Sine Patriyotiko (Sipat) and Southern Tagalog Exposure Multi-Media Collective (ST Exposure) respectively, the two short films got an “X” rating because they “encourage the people to doubt their government,” explains the MTRCB.

According to the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the MTRCB, works that tend to undermine the faith and confidence of the people in their government and/or duly constituted authorities will be given an “X” rating and therefore cannot be shown in public.

Rated X: the second time around

The “X” rating given to the two films is not the first time for the independent filmmakers.

Last September, Rights-a collection of public service announcements tackling issues of human rights violations said to be purported by the government-was also given an “X” rating by the MTRCB. The short films were meant to be shown in a forum held at Indie Sine last Sept. 21, in line with the commemoration of the dark days of Marcos’ martial rule.

A few days after, the MTRCB lifted the “X” rating and had given the film a “PG-13” after the Rights filmmakers protested and demanded a re-evaluation.

A prelude to another martial rule?

“One of the schemes made by (former president) Marcos before he declared martial law in 1972 is censoring films. Just like what is happening now,” said King Catoy, a film-maker and a member of ST Exposur who is also one of the conveners of the Artists’ Response to the Call for Social Change and Transformation (Artists’ ARREST), an alliance of progressive writers, visual, performing and music artists.

“And the action of the MTRCB is really condemnable,” he stressed.

This was seconded by JL Burgos, a visual artist and the brother of the missing activist Jonas Burgos. Jonas was abducted April last year and he was never been surfaced until now. JL Burgos is also one of the film-makers who contributed to the collection Rights.

“Tweny years ago, my father, Jose Burgos was imprisoned because he was accused of being a communist. Now, it’s happening again. We in the Free Jonas Burgos Movement do believe that there is an existing, but an undeclared, martial law,” he said.

A time for artists to struggle more

“Everyday, our rights are being trampled upon. One of the worst forms of human rights violation is the extreme poverty of our people. The “X” ratings given, in quick succession, to films showing the real situation of the country are proof of the desperation of government to stay on hold and  it is trying to stop people’s dissent by silencing or censoring them,” Iggy Rodriguez, a member of the artist group, Ugat Lahi, said.

Meanwhile, Julie Po of the Concerned Artists of the Philippines (CAP) told the people to struggle more and never cease until they finally attain their freedom, not only from suppression but also from oppression and poverty caused by no other than the state itself. Contributed to Bulatlat/Vol. VII, No. 43, December 2-8, 2007

posted by: senyortsikador at 09:48 | link | comments |

Saturday, 23 June 2007
Namamatay na nga ba ng pelikulang Pilipino?

Nang dumalo ako sa pulong balitaan sa NewsDesk na pinangunahan ng Fair Trade Alliance (FTA) na kinakatawan ni dating senador Wigberto "Bobby" Tañada; Film Academy of the Philippines (FAP) na kinatawan ng direktor heneral nitong si Leo Martinez, na isa ring magaling na aktor; Directors' Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) na kinatawan ni Dir. Carlitos Siguion-Reyna na nagsisilbing kasapi ng lupon ng mga direktor ng DGPI; at Independent Moviemakers Cooperative (IMC) na kinakatawan ng pangkalatahang kalihim nito na si Emman dela Cruz, tinalakay ang kinakaharap ng pelikulang Pilipino ngayong panahon ng pagdagsa ng disin sana'y kapakipakinabang na mga teknolohiya.

Aminado ang nasa hapag na talagang naghihingalo na ang industriya, hindi lalamang dahil sa walang habas na pagbubuwis dito ng gobyerno, kundi maging sa kawalang pagpapahalaga at edukasyon ng mismong nasa burukrasya sa kahalagahan ng pelikulang Pilipino (mas popular sa tawag na pelikulang Tagalog).

Ani Leo Martinez, mismong ang taga-Film Development Council of the Philippines (FDCP) - natatanging konsehong nalikha sa panahon ni dating pangulong Joseph "Erap" Estrada na isa ring aktor at prodyuser ng pelikula, ang humarang sa pagsabatas ng pagpapababa ng buwis na ipinapataw sa paglikha at pagpapalabas ng pelikula, alalaon baga, ang tinatawag na amusement tax.

Noong umaga lamang iyon ng Hunyo 20 nalaman na umaabot ng hanggang 35% ang singil sa buwis sa pelikula samantalang ang sa sugal gaya ng casino, tiket sa lotto, sweepstakes, karera ng kabayo, atbp. kauri nito ay 10% hanggang 15% lamang ang ipinapataw na buwis.

Talaga nga yatang paurong ang pag-iisip ng nasa gobyerno at hindi napahahalagahan ang isang instrumento ng pagpapalaganap ng edukasyong kultural - kahit sabihin pang hiram buhat sa dayuhan - na walang iba kundi ang pelikula.

Aminado naman sina direktor Carlitos at Leo na maaring may kapabayaan din sa panig ng mga aktor, tagalikha at tagapagpalabas ng pelikula - sa panig ng mga aktor, direktor, manunulat (scriptwriter), at prodyuser ang hindi mabisang paglalabas ng isang makabuluhang kuwentong pampelikulang maaring tangkilin ng madla sa kabilang banda, at ang pagpapatung-patong ng singil naman ng mga may-ari ng sinehan bunga nga ng napakataas na buwis, sa kabila.

Kung hindi maagapan ito, malamang na paglalamayan na sa susunod ang pelikulang Pilipino dahil kung noong 2006, 56 na pelikula ang nalikha - ngayong unang hati ng taong 2007, nasa 18 pa lamang ang naipalalabas na pelikulang Tagalog at karamihan, nasa anyong digital. Kung dodoblehin ito, 36 at dagdag ang 10 lilikhain para sa lagi na lamang kontrobersiyal na Metro Manila Film Festival (MMFF), lalabas na 46 na lamang ang pelikulang malilikha ngayong taon. 

Milya-milya ang layo nito sa bilang ng pelikulang nalikha noong 2005 na umaabot sa 150 samantalang lalong milya-milya - kumakain ng alikabok - noong kasagsagan ng paglikha ng mga pelikula ng mga lokal na prodyuser, 200 hanggang 250 pelikula taun-taon.

Inakupo! Ano na kaya ang mangyayari sa ating sariling industriya? Baka sa susunod ay ang sinehan, hindi na gawing tanghalan ng mga pelikula kundi mga punerarya para sa inaamag na mga lumang negatibo.

posted by: senyortsikador at 13:57 | link | comments |

Friday, 22 June 2007
Direct to the Point 30

Nagkakaayos na bang talaga sina Erik at Rufa Mae?

Naguguluhan na talaga ako kung talagang nagkahiwalay na sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto dahil sa iba’t ibang balitang naglalabasan. As I saw Peachy (palayaw ni Rufa Mae), she was in pain when she said that she and Erik broke up just before their 1st anniversary.

Kunsabagay, magaganda naman ang pangyayaring nababasa natin dahil sa isang kolumn na nabasa natin, naka-move on na si Rufa Mae sa breakup nila ni Erik while some are saying that they are actually patching all things up.

Napaka-okey kung talagang nagkakaayos na sila dahil napakalaking emosyon na ang naipuhunan nila sa isa’t isa. Matatandaang naging malaking isyu ang pakikipagrelasyon ni Peachy kay Erik dahil na rin sa isyung ibinabandila ng ilan na bakla ang mahusay na mang-aawit.

Bakit naman si Ogie Diaz, Tita Swarding at ang yumong Jun Encarnacion, they have found their way in a female’s arms? Hindi isyu ang kasarian sa pag-iibigan. Kung umibig ang isa sa isang bakla, sabihin na bakla nga si Erik Santos, ano ang pagkakaiba? Wala. Dahil hindi naman ang kasarian (gender) ang nagmamahal, ang puso. (Huwag naman sanang masamain ng mga pangalang nabanggit ang pagkakabanggit sa kolum na ito ng kanilang mga pangalan dahil ibinigay lamang natin sila bilang kongkretong halimbawa, at sa mga taga-hanga ni Erik at kay Erik mismo, hindi nating sinasabing tunay kang bading.)

Kaya nga nakakairita ang pagiging mapanghusga ng ilan na hindi naman talaga naiintindihan ang sitwasyon. Bakit ako? Isa akong bisexual na sinasabing hindi maaaring magmahal ng iisang kasarian lamang nagawa kong isangla ang puso ko sa isang babae at hindi ko na mapagtuunan ng damdamin ang kapwa ko lalaki?

Huwag tayong maging mapanghusga dahil unang-una sa lahat, lahat tayo, may kapintasan. Wala pang nakapeperpekto ng ating pagiging tao, kung pilosopikal na usapan ang magiging talakayan.
Kina Peachy and Erik, sana mag-work out ang inyong pag-uusap.

posted by: senyortsikador at 09:56 | link | comments |

Thursday, 15 March 2007
Epic Coffee

One of the best places to hang out is in EPIC COFFEE and Internet Shoppe in Makati City (St. Augustine College of Nursing building in PRC).

The staffs, especially the manager (Ms. Sachiko Alie Sato), are accomodating.

What I love is their coffee is exemplary yummy (is it the right term?). Americano with milk is absolutely delicious. Try their cold and hot drinks and their sandwiches.

I will write in Pinas (the other publication I am with) a complete review of the place and the costs of each product they're offering. Just wait for that, mga kafatid.

***

Are we under a martial rule now?

The ransacking of Bayan Muna Rep. Satur Ocampo and Bobbie Malay's wife at Heroes' Hill Quezon City is really alarming. Twenty one operatives of the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), most were in plain clothes, banged at the gate and served a photocopy of the warrant of arrest for Satur.

According to Bayan Muna Sec. Gen. Nathaniel Santiago, who happens to be visiting Malay, told this reporter that the operatives insisted to come in even though Malay said that Ocampo is not there. Because of their persistence, Malay gave in and let the four policement go inside the house and searched for the "missing" congressman.

What's odd in this scenario is that the operatives are serving a warrant of arrest but they have searched Malay's house and the nearby houses without a search warrant. Besides that, the warrant of arrest is only a photocopy of the original and the address indicated in the document is wrong.

My, my! This gives me a chill. Well, what would you expect?

***

Mr. Julianito "Boy" Villasanta, Punto!'s entertainment editor and columnist for Pinoy Weekly will be launching his book on movie and entertainment writing (journalism). Just wait for further announcement.

***

Hi to Ms. Bianca Consunji of the Philippine Daily Inquirer and to Ms. Camille de la Rosa, a former child star and now a successful painter. She (de la Rosa) was one of the casts of the defunct "Ang TV."

Hi also to Ms. Ruth Llave, the sister of the marketing and creative director of Pinoy Weekly news magazine. What a lovely lady.

***

Ciao for now. I have a prescon to attend. God bless us all!

posted by: senyortsikador at 04:08 | link | comments |

Monday, 12 March 2007
another hmn...

Tila hindi pa matatapos ang kaso nina Kris at James.

Someone said that James and this Hope has a sex video and it's now proliferating, invading the "bilaos" of the sidewalk vendors in Quiapo. Interesting, isn't it? The peeping tom syndrome among Filipinos can now be seen. Hay! Bahala na nga muna sila... (Pero isusulat ko nang matino itong isyung ito. Gusto ko rin namang makisawsaw eh. Ha-ha-ha!)

Sige na nga. Nauubusan na ako ng Ingles and I doubt na tama ang grammar ko. Can you correct me, Ms. Consunji?

posted by: senyortsikador at 10:24 | link | comments |

Sunday, 11 March 2007
Direct to the Point 11

Intriga sa Bb. Pilipinas at ang tunay na kalagayan ng mga Pinay sa kasalukuyan

Nabasa ko ang tungkol sa kuwestiyon sa pagkakapanalo (o pagkakatanggap?) ni Bb. Margaret Wilson, ang bituin na taga-Siyete, sa katatapos pa lamang na Bb. Pilipinas. Kinoranahan si Margaret bilang Bb. Pilipinas-World at totoo namang karapat-dapat ang magandang dilaga para sa kanyang korona.

Bukod kasi sa kanyang ganda, may talino ring ipinakita ang dalaga at tunay namang masasabing may talento si Bb. Wilson.

Ngunit may mga kumukuwestiyon kung bakit natanggap si Margaret sa Bb. Pilipinas gayong hindi ito tapos ng sekundarya? Pagtatanggol naman ng kanyang manager na si Neil de Guia, nasa roster naman ng magsisipagtapos ngayong Marso si Margaret at tinanggap naman ng Bb. Pilipinas Charities ang kanyang mga rekisitos kaya siya natanggap sa patimpalak at pinalad pa ngang manalo.

Sabad naman ng isang miron, isa sa mga rekisitos ang nagsasabing “at least high school graduate” at hindi naman tahasang sinasabi na kailangang tapos ka ng sekundarya (high school) bago ka makasali sa prestihiyosong patimpalak.

Tama nga naman siya, di na giliw naming mga mambabasa?

***
Gayunman, nananatiling napakalaking katanungan pa rin sa akin ang pagpapaligsahan hinggil sa kagandahan gayong dapat ay hindi ito pinagtatalunan.

Ayon sa mga sosyolohista o yaong palaaral sa ating lipunan, isang uri ng pagsasamantala sa kababaihan ang beauty contests dahil ginagawa nitong mga paninda o mga commodity ang mga babaing nagsisipagsali rito. Sa madaling salita, ang mga kagandahang pinagbi-bikini sa panahon ng patimpalak at kinukulapulan ng mga kolorete sa mukha ay ibinibenta bilang mga produkto.

Marahil, magtatanong kayo kung paano nangyayari iyon?

Unang-una sa lahat, ang mga babaing sumasali sa patimpalak kagandahan ay ginagamit para maibenta ng mga kapitalista ang kanilang produkto. Ang mismong taga-endorso ng produkto ang siyang nagsisilbing panghatak para bilhin ang produktong inilalako ng mga sponsors ng mga patimpalak, gaya halimbawa ng Bb. Pilipinas.

Subconsciosly o hindi namamalayan ng mga tao, ang mismong nasa isip nila kapag binibili ang mga produktong iyon ay ang mismong nagpaganda sa produktong kanilang binili at iyon ay walang iba kundi ang mismong dalagang nag-eendorso ng produkto.

Ikalawa, dahil sa halos hubad na rumarampa ang kababaihan sa patimpalak, nagiging pokus sila ng pagiging hayok sa laman ng kalalakihan samantalang ito naman ang nagbubunsod para tumaas ang rating ng programang iyon at mabili ang mga produkto na inilalako ng mga sponsors ng naturang patimpalak.

At ikatlo, dahil ang mga babaing sumasali sa patimpalak ay mga nasa panggitnang uri ang kalakhan, umaasa sila na daragdag sa kanilang kasikatan at sa kalaunan, sa perang dadaloy sa kanilang pitaka, ang pagsali at pananalo sa mga beauty contests.

Tatalakayin ko ito nang mas malalim pero hindi rito. Sa susunod na artikulo na lamang siguro.

***

Binabati nga pala natin si Ms. Sachiko Sato at ang kanyang mga kaibigan na sina Pauline at Rachelle ng Epic Café and Internet shoppe diyan sa Makati. Maligayang pagbabasa!

posted by: senyortsikador at 04:55 | link | comments |

Direct to the Point 10

Tinutugis si Satur Ocampo, tutugisin na rin kaya sina Ara Mina at Janno Gibs?

HINDI NAMAN artista si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo subalit laman siya ngayon ng usap-usapan. Nitong Marso 10, bandang alas-10:45 ng umaga, sinalakay ng 21 tauhan ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) ang kanyang bahay para ihain ang mandamyento de aresto na ipinalabas ng isang huwes sa Baybay, Leyte.

Ang kaso ni Ka Satur, murder o pagpatay at ang ebidensiya ng mga awtoridad, ang mga kalansay na nahukay sa naturang lugar.

Inabutan ng mga awtoridad doon ang kanyang maybahay na si Prof. Carolina “Bobi” Malay at tinanong kung naroroon si Satur. Sabi ni Prof. Bobi, wala. Pinatuloy na rin ng butihing ginang ang mga pulis para maghalughog. Tiningnan nila kung nagtago si Satur sa ilalim ng kanilang kama, sa aparador, sa bodega at maging sa iba pang lugar sa bahay. Napatunayan ang sinabi ni Prof. Bobi na wala talaga roon si Satur.

Ang naturang paghahalughog, ayon sa mga abogadong sina Neri Colmenares at Justice Romeo T. Capulong, ilegal at purong pandarahas lamang.

Ngayong inaaresto na si Satur, ang tanong ng miron: Arestuhin din kaya ng awtoridad sina Ara Mina at Janno Gibbs dahil sa pakikipagdaupang palad nito sa isa pang kinasuhan ng kasong kriminal na si Prof. Jose Maria Sison, ang sinasabing tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas?

Nakausap natin si Alexander Martin Remollino ng Bulatlat (isang online na news magazine na nasusulat sa Ingles) at isa ring makatang tulad ng inyong lingkod at may matalas na karunungang pangkultura at sinabi niyang maaring arestuhin sina Ara at Janno kung sakaling retroactive ang batas na nilagdaan kamakailan ng mahal na pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo—ang Human Security Act of 2007.

“Ano’ng magiging kaso nila (Ara at Janno)?” pamaang kong tanong kay Alex.

“Simple. Pakikipag-ugnayan sa isang terorista na walang iba kundi si Prof. Jose Maria Sison,” aniya sabay tingin sa entablado sa mga nagtatanghal na grupong pangkultura para sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan.

Sa naturang batas, sinasabing ang sinumang nagmamantini ng anumang uri ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang terorista o binansagang terorista ay maaring masangkot sa kaso nitong terorismo.

Kaya medyo natigatig si Ara nitong mga nakaraang araw dahil nga lumabas ang kanyang larawan kasama si Prof. Sison. Nakakatuwa ano po? Maging si Ara pala ngayon, maari na ring matawag na terorista dahil nakipagsayaw at nakipagkantahan pa siya kay Joema.

Habang isinusulat ito, wala pa ring paglilinaw na nagmumula sa mga awtoridad kung ano nga ba ang maaring kahinatnan nina Ara at Janno, sakali ngang retroactive ang Human Security Act of 2007. Nakikini-kinita ko na ang mga senaryo. Kayo mga kaibigan, nakikita na ba ninyo?

posted by: senyortsikador at 04:54 | link | comments |